Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko sa'yo. sabagay, wala naman akong sinasabi na pwedeng ipagtulakan ang aking malalim na pagkagusto. pero kahit na. parang wala kasing katarungan sa mundo e. bakit ba ang lahat dapat sinasabi? ang kulay na pula ba kelangan pang ipagsigawan sa mundo't sabihin niya "pula ako! pula ako!" upang malaman ng mundo na tiyak ngang siya ay pula? hindi ba dapat ireserba ang dagliang pagsabi nito gayong baka ang kalabsan nito'y pagkalabo sa isang tuwid na pagkakaibigan?
hay. sabi nga ng kanta, "bakit hindi ko maamin sa'yo?"
nakakatuyo ng utak. ang tanging konswelo ko na lang ay ang palagayan na nanumbalik na ang malaking bahagi ng ating pagkakaibigan.
sakaling mabasa mo ito, oo ikaw, mahal kita. alam mo yon, ayaw mo lang pansinin.
itutulog ko nalang 'to. wala rin naman akong aabutan e.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home